Wednesday, April 13, 2011

Cloud Part 1

Private blog page ko sana to kaso mukhang nasira isa ko pang page.


____________________________________________________________________________






BATA: "kuya?... anu yang kinakain mo?" sibayan pa ng nakaka awang titig.


AKO: "ah..burger toy, favorite ko to. gusto mo ba?"


Tango lamang ang naging tugon ng bata sa akin.


AKO: "sandali lang ah, nasa bag ko kasi isa pa nito" sabay hubad sa backpack ko at kinuha ang burger na tinago ko para sana kainin mamaya habang bumibiyahe ako sa bus pauwi.


AKO: "ayan na toy ah.. cge ingat bye bye" sabay lakad palayo at baka maisipan pang manghingi ng pantulak.

Enenjoy ko muna ang burger at tanawin ng isang park sa likod ng isang mall. Di naman talaga tanawin ang eneenjoy ko, kundi ang mga tao sa lugar na yun. Halos lahat magsyota, hawak kamay pa kung maglakad, akala mo nang iinggit.


AKO: "san kaya CR dito?, nwiwiwi ako." (sa isip ko)


Naisipan kong magtanong sa isang food vendor doon.


VENDOR: "ay doon po sir sa ilalim nung oberpas pabalik sa loob ng mol"


AKO: "ah ok po salamat kuya" at patakbo kong tinungo ang CR.


Kent: "Cloud!!! uy!!! nandito ako.. pssssssstttttttt!!!!"


Ngunit patuloy lang ako sa pagtakbo dahil nga sa naiihi na ko, di ko namalayang hinabol pala ako ne kent sabay hawak sa braso ko.


KENT: "gago! nakita ko sila papunta na dito tara bilis"


Sa pamamagitan lamang ng paalala at titig na iyon nakuha ko na kong sino sino ang tinutukoy ni Kent. Kaya naiihi man ay sumama na ko sa kanya at patakbong umalis sa lugar na iyon.

(SA BUS PAUWI)

AKO: "Panu naman kaya nila nalaman na nandun ako kanina?"


KENT: "Cloud? magpaka mature ka nga kahit minsan sa buhay mo, panung di nila malalaman eh nakastatus sa facebook mo na pupunta ka doon ngayon"


AKO: "Oo nga no" sabay ngiti


KENT: "Pre, sa susunod mag iingat kana. Di ko alam ang balak mo sa buhay mo pero susuporatan parin kita."


AKO: "salamat tol.. nga pala bababa na ko sa susunod na bayan, dumerecho kana lang.. ok na ko mula dun"


KENT: "cge pre ingat"


AKO: "wag ka mag alala paninindigan ko tong desisyon ko  tol, mas pipiliin ko pang mamatay kesa suwayin ko ang sarili kong pinagpasyahan"



Ilang sandali pa ay nakababa na ko at nagsimulang maglakad papunta sa tinutuluyan ko. Sa labas  ng gate ay nakita kong nagwawalis si Donita, ang anak na baklita ng land lady kong si mama D.


AKO: "(pakanta) ANG PUSO KO AY NANLILIGAW AT DI NA KO NALILIGAW"


Donita: "(pakanta din) BAKIT KAY TAGAL NANG HINIHINTAY AT NGAYON KA LANG NAKITA" sabay ginawang mic ang walis tingting.


AKO: "hehe adik.. pakisabi kay mama D. idadaan ko nalang mamaya sa inyo yung bayad ko sa upa, salamat pala sa pagwawalis" sabay ngiti

DONITA: "Ngiti mo lang Cloud, bayad kana sa renta ng bahay at sa pagwawalis ko"


AKO: "Sus anu ba naman panama ko sa boyprend mong si Andress" sabay tawa ta pasok narin sa gate.


Donita: "Di ko boyprend yun.. ewwwwwww"


AKO: "Eww daw oh.. cge na pasok na ko.. daan ako sa inyo mamaya"


Donita: "Ok sabay kinikilig na umuwi sa kanila"


Pagpasok ko ng bahay ay derecho kong binuksan ang TV at ibinagsak ko ang katawan ko sa sofa,  nataong natapat sa pelikulang may eksenang kasalan. Umiiyak ang babae habang naglalakad papalapit sa groom niya sa altar.


AKO: "Bakit ka pa magpapakasal kong di ka rin naman masaya" sambit ko habang nakatitig ako sa mukha nung babae sa tv.


Napatayo ako, hinubad ang t-shirt at kumuha ng isang can ng beer sa ref. Bumalik ako sa pagkaka upo sa sala at naisipang ibaling ang atensyon ko sa isang magazine doon. Pagbuklat ko nito ay natuon naman ang pansin ko sa isang ad doon.


"WANT YOUR DREAM WEDDING???? PIECE OF CAKE.. JUST CONTACT THIS NUMBERS 525-****"


AKO: "kaya niyo kayang ibigay ang dream wedding ko.. i doubt it" sabay lagok ng beer na hawak ko


Pgkatapos nun ay nagpasya akong maligo at Ilang sandali pa after nun ay nag ring ang cellphone ko.


AKO: "hello?"

Ngunit walang nasagot. Ilang beses akong nagtanong kung sino ang nasa kabilang linya pero wala akong madinig na sagot


AKO: "wrong number po ata kayo" patay sa telepono

Pero mukhang may idea ako kung sino ang tumawag. Alam ko yun dahil sa pagbilis ng tibok ng puso ko. Muli ay napatitig ako sa binuklat ko na magazine.


Naalala ko ang isang tagpo mula sa nakaraan.............................

______________________________________________________________________________________________
"Cloud pangako mo sakin di moko iiwanan. kasi pilit ko man pigilin ang puso ko, ganun pa din talaga. Tuwid man ang tingin ko sa buhay pero pilit kang nililingon ng puso at isip ko"



AKO: "kahit di mo sabihin yan. kakabigin at kakabigin ko ang puso mo, ng sa gayun ay sa akin ka lang parati naka lingon."

_______________________________________________________________________________________________


Habang nasa malalim parin ako na pag iisip ay isang malakas na katok sa pinto ang gumsing sa diwa ko. Napatayo ako at agad na binuksan ang pinto.


AKO: "sino po sila?"


DONITA: "Ako! tara na sa bahay dun kana lang din daw maghapunan sabi ni mama.... O..M..G.. wag ka naman mag topless sa harap ko..woooohh lord help me"


AKO: "baliw..hehe cge wait magbibihis lang ako, pasok ka muna.. sana nagtext ka nalang"


DONITA: "mas ok kung sabay tayo maglakad.. romantic." sambit nito habang nililibot ng paningin niya ang buong bahaging iyon ng bahay ko."ansarap magstay dito sa place mo..amoy lalaki" sabay ngisi

Pagkatapos magbihis ay kinuha ko na rin ang pambayad sa upa ng bahay at sabay kaming tumungo sa bahay nila.


Pagdating namin sa bahay nila mama D. say buong giliw nila akong sinalubong.

MAMA D.: "oh cloud iho, mabuti at nandito kana.. ayaw talaga paawat niyang si Don-don at sinundo kapa"

DONITA: "Donita po mama.. D-O-N-I-T-A. paulit ulit ba ako mag cocorrect sa inyo"

MAMA D.: "Magtigil ka nga jan DOn-don ha, tawagin mo si kuya mo ng maipakilala ko siya kay Cloud"

AKO: "May kuya po pala si Don-don?"

DONITA: "DONITA nga!! hay naku.. wait lang ah tawagin ko si kuya"

Ilang sandali pa ay magkakaharap na kami sa mesa.

MAMA D.: "Cloud iho, ito nga pala ang panganay kong si Norman, eskolar siya sa US, kakagraduate lang niya at balak na dito magtrabaho at Norman this is Cloud siya umuupa sa dati nating bahay, sabi na ngat mag kasing gwapo kayo"

AKO: "Hi! nice meeting you Norman.." sabay abot ng kamay ko para makipag shakehands

Norman: "Ganun din ako, lagi ka nakukwento ni Doni sa skype" sabay ngisi

AKO; "ah talaga?" ngiti

DONITA: "madaldal talaga to., tama na ang shakehands kuya, ayun ang ulam sa mesa oh.. Kain na tayo"  sambit ni donita


Norman: "Kulit mo parin bunsoy Doni"


Tawanan kami lahat.


Masayang kasama ang pamilya nila mama D. lahat mahilig magkwento kaya naman nakaka aliw. Pagkatapos ng dinner at kwentuhan ay nagpasalamat ako sa kanila at nagpasya nang magpaalam at magpahinga.


Ilang sandali palang ako sa bahay ay may nadinig ulit akong pagkatok. Pagbukas ko ng pinto ay mejo nagulat ako.


Norman: "Bro, may dala akong alak, inom tayo linggo naman bukas eh"


Donita: "Hoy! dito muna ako habang nag iinuman kayo"


Norman: "gabi na baka mag alala sayo si mama"


Donita: "Basta dito lang ako" masama ang tapon ng titig nito sa kuya niya












Itutuloy.....................................................................

Friday, December 24, 2010

Merry Christmas

Una po sa lahat, maligayang pasko.

Dapat sana ay masaya ako ngayong, pero di ko maipaliwanag kung bakit malalim na kalungkutan ang nararamdaman ko.  It doesn't make any sense kung tutuusin, I mean, kompleto naman ang pamilya ko. May special someone naman ako. I feel so empty........

wala nga akong maisip iblog dahil sa sobrang wala akong maramdaman...

Monday, December 13, 2010

Friday, June 11, 2010

Maagang Abala

Magndang umaga mga followers! Nyahaha.. Di na nahiya, wala namang follower..Hehe

Maaga akong nagblog today sa kadahilanang maagang nabulabog ang emosyon ko. Dito ako sa sala nagpasyang matulog kagabi kasi malamig dito lalo na nung binuksan ko mga bintana. Napakasarap ng tulog ko. Nang biglang may magsisigaw sa pinto." Basura!! pakilabas lang po!!!" paulit ulit hanggang sa pagbuksan ko ng pinto at isinalpak ko sa bunganga este ibinigay ko pala ng mahinahon sa kanya ang mga supot ng basura.. Ayun tahimik ulet at bumalik ako sa pagkakahiga.. "TOK! TOK! TOK!.. MAMA!!! MAMA!!! BUKSAN MO ANG PINTO" anlakas ng boses nung bata.. pinagbuksan ko ulit ng pinto. "bakit?" tanong ko.. "sorry po maling pinto" sagot niya.. Arrgghh!!!! Gusto ko pa matulog andaming estorbo!. Balik ulit ako sa sofa at nahiga. Dinig kong may pababa ng hagdan, "Eric! Eric! maligo kana't nagpadala ng pera ang ate mo, sayo nakapangalan" si mama pala.. Hay naku! Puro estorbo sa tulog. Sinabi ko kay mama na maya maya at matutulog muna ko sa sofa parin. Maya maya mejo malapit na ko makatulog, naupo si mama sa tapat ko, nanood ng tv habang nagbabate ng itlog na aalmusalin namin, anlakas ng tunog ng tinidor .. Ayaw na ata ako patulugin.. Umupo ako at naisipan ko nalang magblog, upang madinig ko ang tunog na nagpaparelax sa akin.. Ang tunog ng keyboard..Hehehe..
Nga pala, may kanta ako para sa inyo!

"you were always gonna be the one in heart, how i wish i could have never let you go, come into my life again please don't say no."

maganda melody ng kantang yan. parang tanga nga lang ang gumawa. Iiwan iwan ang mahal niya, tapos pababalikin.. anu yun? Beyahe ng jeep? My vice versa.. Syempre malamang nakahanap yun ng mas masarap este mas mapagmahal kaysa sayong tanga na gumawa ng kantang yan.

May nakachat pala ako kagabi, tinatanong if halata daw ako? Hahaha adik adik! E di nabitay na ko ng tatay ko if halata ako!! Junior ako kaya kelangang straight acting tayo tska ganito na talaga ako kumilos at magsalita, walang bahid kabaklaan.. Dito sa blog ko lang napapakitang masalita pala ako, makwento ng mga walang kwentang kwento nga..Hehe Natatawa at naiinis ako pag may nagtatanong ng ganyan saken..Parang gusto ko agad ipasubo etits ko sa kanya. Joke! Wahehehe

cge ligo na ko mga parekoy at kukuha pa ko ng perang padala ng ate ko. Enjoy nyo araw niyo! Godbless u!

Walang Title

Hi everybody.Wahehe or should i say hi to myself. Ako lang naman kasi ang masugid na bumabasa sa sarili kong blog.

Nga pala, napadalaw ako dito kasi wala akong magawa at nakahiga lang ako dito sa floor, dito sa room ng mama at papa ko. Maingay kasi sa labas mga pamangkin ko at bunso namin na 13 yrs old na ay parang toodler padin magkikilos.Wahehe.. Peyborit nyang gawin sakin is kissing me sa pisngi, take note..Hindi ito ordinaryong kiss, ito ang tinatawag niyang makapangyarihang "KISSDILA". Nakakaasiwa pero natuuwa nadin ako, kahit papanu e malambing si bunso, ang bunsong kasing laki na ni kuya..Wahehehe..

Kanina pala habang naglalakad ako ay my nakita akong two guys na nagkukulitan sa harap ng botika sa maytindahan ng mani. Narinig ko yung isa, sabi nya "Hubz anung gusto mo? My balat o wala?".. Adik mga bakla din pala, hubz pa talaga ang tawagan. Siyempre my kunting inggit na numuo sa dibdib ko, pero iniisip ko.. "in god's time" magkakarun din ako ng hubz at ibibili din niya ako ng mani tska kwekkwek, at fishball pa..Wahehe bilmoko. Hindi ako bilmoko. Naalala ko pa nga when i had a relationship with an EFFEM o baklang mukhang babae at bihis babae. Hindi ako nagpapabili ng kung anu anu kahit mapera yun, pero bawat date namin kelangan KKB.. wahehehe atleast di ako nagpapalibre. Naalala ko pa nun nung binili ko siya ng maliit na acquarium worth 50php at dalawang maliliit na isda sa baclaran nung nagpasama siyang mag ukay ukay..Akala ko mtutuwa siya, eh nakagalitan pa ako.Wahehehe hassle daw magdala nun. Syempre ako si mainitin ang ulo at topakin, INUWI KO ANG ACQUARIUM..Wahehe.. kita nga sa mukha nya ang pagtataka nung maghiwalay kami na daan pauwi, di ko binigay yung acquarium at worst di na ko nagsalita. Ayoko kc nang kinagagalitan ako sa harap ng mga taong di ko kilala. Example na dito ay yung mga tindera sa ukay-ukay..Hehe

Di naman ako matampuhin, mga tatlong araw ko lang siya di kinausap at base narin sa text nya, tatlong araw din siyang nagsisi at umiyak.Wahaha. Pero hanggang 3 m0nths lang kami, di niya kasi kinaya ang topak ko, madali daw ako magalit?? mabait daw ako at makulet sa mga kaibigan ko pero sa kanya panay seryoso daw ako?? Sino ba kasi ang hindi mag aalburoto, napakabulgar siya sa kung sino ang mga crush niya.. Bakit? D b ako marunong magselos?? Sa twing pupunta ako sa kanila, alam niya namang MEGA SARDINES NA MAY ITLOG ang gusto ko, LIGO SARDINES o ibang SARDINAS ang iluluto..Wahehe di kasi malansa ang MEGA (Nag endrose.Wahehe]. Ayun, basta madaming grounds ang paghihiwalay namin. Pinakamatindi is nagpatira siya dun sa hawak niyang contestant sa isang Mr. Ewan na pagent.. Adik!

Ayun, kasalukuyan pong ginagawang kabayo ng dalawa kong pamangkin ang likod ko. Ang kukulit!. Nandito sila sa bahay, kasi nasa abroad ang mama nila at ang papa nila ay nag asawa ng iba. Nakakaawa nga eh, specially itong bunso.. "papa" tawag sakin at paniwalang paniwalang ako ang tatay niya, adik talaga, pero time will come na paliliwanagan din namin siya.. Wahehehe nagddrama na ata ako.. NEXT TOPIC.....! Hehe Pero seriously, kaya ako nagpapakahirap sa work at kaya ako patuloy na nagbabakasakaling makakuha ng trabahong mas mataas ang sahod, specially abroad kasi gusto kung bigyan ng magandang kinabukasan ang mga unggoy na to.. Tsaka gusto ko din maranasan naman ni mama kung panu ang pakiramdam ng di namomroblema sa pera, yung pakiramdam ba ng walang utang at yung di nalang puro kaming mga anak niya ang iniisip bilhan ng kung anu anung kailangan namin pag my kunting naipapadala si papa. Gusto ko sila naman ni papa ang pag aalayan ko lahat ng paghihirapan ko. Kahit hindi masyadong mayaman, basta maabot lng namin yung point na walang utang at nabibili lahat ng kailanganin namen at my kunting sobra para pang enjoy ng mga magulang ko. (wahaha seryoso na nga].. Ayun, kaya everytime tinatamad ako sa buhay, iniimagine ko lang ang mukha ng mama at papa ko, lumalakas l0ob ko at ginaganahan ako kumayod. Sabi ko nga kanina.. In god's perfect time, matutupad din pangarap ko para sa pamilya ko.

Lahat ng pangarap ko tinataas ko sa diyos, kasi siya naman ang magpapasya kung ibibigay niya sa akin yun.. Makadiyos na ba ko?Hehe.. Actually halos every saturday umaattend ako ng EL SHADDAI kasama si mama at mga brod ko, di lang para manghingi nag biyaya kundi nagpapasalamat na din dahil kahit na minsan ay kinakapos kami, atleast malulusog kami lahat.

Haay, ayun dumilim ata ang paligid? Mukhang uulan pa ata? Wahehehe.. Ok yan ng lumamig naman at bumagay sa panahon ang nilulutong banana cue ni mama.. speaking of bananacue? Lahat ba ng tinutusok na pagkain my CUE? Lechon Baboycue at Lechon manokue. Hehehe..

Ayun tinatamad na kong dumapa at magtype. Sa susunod ulit! Pagbalik ko, manlalait ulit tayo ng mga qoutes at kanta!Wahehe..

Ito ang inyong Tol Eric.. pansamantalang mag ssign off. Laging tandaan, na ang buhay ay parang gulong lang yan.Wahehe iniba ang version ni kuya kim.. Thanks!

Thursday, June 10, 2010

The follower

Magandang hapon mga ka blog!! Wahehe parang my follower lang eh..

Naisipan ko magblog ulit ngayon dahil my gusto ulit akong ibuhos na emosyon.

UNA: my pina follow akong blog na nasa chapter 24 na ang story.. Ilang linggo na kong naghi2ntay eh wala pading update.. parang malapit na ako ma dettached sa pagkaka h0oked ko sa story na to kasi im following another story sa isang pang blogger at sya ang pangalawa kong pagbubuhusan ng emosyon.

PANGALAWA: mabilis naman sya mag update ng blog kaso mamamatay ata ako sa alta presyon at sakit sa puso sa story niya, laging kawawa ang bida kahit inaapak apakan na ang pagkatao nya ng taong mahal niya, at kunting kalabit lang naman ay bibigay siya sa ta0ng ito..Haaay naku, panu ko mareresolba ang galit ko now eh wala pang update, kung pwde lang ako ang magsulat ng karugtong sa storyang yun, tiyak happy mula una hanggang wakas. "sounds boring naman yun" wahehehe laging happy..

Eto pang nabasa ko sa isang website ang nakadagdag sa iniisip ko.

"PANU AKO MAGSISIMULANG MULI KUNG BAWAT ISANG HAKBANG KO, AY HINIHILA MO KO NG DALAWANG HAKBANG PABALIK SAYO"

Hinayupak ka! Kung di ka rin tarantado eh. Kung gusto mo talagang magsimulang muli.. Adik ka, e di wag ka na magpahila!! Malaman laman mu, tawag kalibugan lang din pala ang dahilang bkit ka nagpapahila. Sa nagsulat ng qoute na yan... Hindi ka nakakaawa!!Hindi!! Hindi!! Hindi!! malandi ka rin kasi kaya ka nagpapahila ulit.. KALADKARIN KANG ECHOSERONG BULL FROG..

Pagnasasaktan kana, ba't kpa magpapauto ulit?? Ang mahirap pa dito, ikkwento mo sa frends mo na gusto mo nang magsimula muli dahil sa paulit ulit na pananakit ng mahal mo sayo. Siyempre curious ang mga frends mo at titingnan nila anu ba itsura ng taong nananakit sayo.. Tapos bubulaga sa kanila ang isang taong nasa parteng mukha ang paa o "TAONG PAA". Sus maryusep!!! o di naman kaya gwapo nga pero utak biya naman.. Wala naman kasing Gwapong matalino ang paulit ulit kang sasaktan.. kaya nga matalino diba? siyempre maghahanap ulit sila ng iba na mas HIGIT sayo at di kana babalikan o hihilain pabalik, maliban nalang kung kakapit ka sa binti nya, wag ka lang iwan, at dito na papasok ang paborito kung kanta nung bata pa ko. "BAKIT NGA BA MAHAL KITA".. tang ina! Title palang pinapainit na ulo ko. Lahat ng bagay sa mundo may rason..

May mga taong tatanungin ang syota nila ng "Bakit moko love?" at sasagot naman si syota "hindi ko alam, love has no reasons" at my kasabihan DAW na pag di alam ng j0wa mu kung bt ka niya mahal., TrueLove daw yun.."
Kilig na kilig naman ang bobang syota na utak langgam. Tang ina nyo parehas!! Wahehe (nagalit sa example].

Ang opinion ko sa bagay na ganyan is ganito, magmamahal ka ng isang tao dahil mabait sya, maganda, magaling chumupa, masarap kantotin.Wahehehe joke lang. Magmamahal ka ng tao for the reason na my impact siyang ginawa sa buhay mo. Example is napagbago ka nya mula sa pagiging Criminal ay naging isa kang huwarang mamamayang pilipino awardee or Aswang ka at dahil sa mahal mo, pinili mong igive up ang pagiging aswang mo sa pamamagitan ng pagkain ng hayop instead na tao.(Wahehe adik na example toh].. Bsta mga ganung bagay..

Ayun balik na tayo sa buod ng "BAKIT NGA BA MAHAL KITA?".. Grabe ang kamartiran ng taong to.. Nung unang lines mejo ok pa eh. "KAPAG AKO AY NAGMAHAL, ISA LAMANG AT WALA NG IBA PA" .. pero dito "TUMINGIN KA MAN SA IBA, MAGWAWALANG KIBO NALANG ITONG PUSO KO" ( nung bata pa ko sabi ko, "sa bagay titingin lng naman sa iba eh, di naman hahawak o yayakap o hahalik" wahehe literal..] Pero ngayong malaki na ko at ang etits ko..Hehe nalaman kung TANGA ang magsasabi ng linyang yan, wala ka naman kasi talagang karapatang KUMIBO dahil sa linyang to "DI MO MAN AKO MAHAL".. see? Wahehe di ka mahal nung tao, kaya no need ng ipangalandakan mong di ka KIKIBO.. Anu gusto mo? Kaawaan ka ng mundo dahil di ka kumibo? Feeling mo nasa pelikula ka at ikaw si TONI GONZAGA dun sa movie nila ni SAM MILBY where in SAM HAD KRISTINE HERMOSA AS HIS LOVE AT HINDI SI TONI?? Wahehe ambisyoso!! walang lawit si TONI G. Yan ang napapala mo sa kakapanood ng pilekulang mga love stories!!.. (Ahehehe inaway ulit ang example..]

Haistt ayoko na himay himaying ang kantang yan at baka sumakit lng dibdib ko.. Isa pa inaantok na ko, dahil siguro sa nkakaantok at napakasarap pakinggan na tunog ng aking keyboard.. Try nyo magtype tapos tahimik at tunog lang ng keyboard nadidinig mo..Nakakarelax..Wahehe adik adik.. Hanggang sa muli mga ka blog kong multo.. Wala kasi akong follower, pinipilit ko mga tropa ko sa probinsya na ifollow blog ko... pero magkakamatayan daw muna.. mga adik na yun. Sapak! Tadyak! Bugbog! Para sa kanila specially ky kuya Tj!! Adik ka!! Di ako bibigay sayo. Rapist.. Wahehe.