Wednesday, June 9, 2010

Paminsan-minsan

actually walang connection ang title nito sa iboblog ko. Title yan ng kantang nadidinig ko now over the radio. Pinapakinggan ko nga yung kanta, di ko mawari if the singer was refering to a dead person when he sang the "paminsan minsan ang ALAALA mo'y nagbabalik"..Wahehe.. wala ako pakialam.

Honestly, di ko alam anu iboblog ko tonight, basta trip ko lang mag type, sarap kc pakinggan tunog ng keyboard nakakaantok..Wahehe..

Ayun pabalik balik sa utak ko yung kanta..Mukhang di ko mapaninindigan na walang koneksyon sa title ang ibblog ko..Wahehe..

Haha.. nasearch ko sa youtube ang kantang Paminsan minsan.. Buhay naman pala ang pinagaalayan ng singer ng kanta nya, kasi sabi nya "Isipin moko kahit paminsan minsan" at eto pa "kaya ikaw nga sa akin ay lumisan". Aba't adik ang gumawa ng kantang toh.. "KAHIT NGAYON MAYROON AKONG IBA, KAHIT SINASABING MAHAL KO SIYA". Manloloko din pala ang hinayupak!! Kwawa naman yung SIYA na yan. Ang kapal pa ng mukhang magrequest ng "ISIPIN MOKO KAHIT PAMINSAN MINSAN" sakim ang gago, may iba na nga, gusto pang isipin siya ng ex niya..
Wahehehe .. "PINAGSISIHAN LAHAT NG AKING PAGKUKULANG" weeeh?? di nga? kung pinagcchan mo yun bakit meron nito "KAHIT NGAYON MAYROON AKONG IBA" adik ka pare ah.. my nagsisi bang naghanap ulit ng iba.. kapal mo pare ah. Pinapainit mo ulo ko!!!

Ahaha inaaway ko na si singer.. peace tayo! Nilalabas ko lang naman emosyon at pagkakaunawa ko sa kanta mo. Sakit sa ulo... Pero maganda ang melody niya, pinapaalala nya yung kabataan ko. Those times na pinipwersa akong matulog sa tanghali, para daw lumaki ako. Naninikip dibdib ko habang nakahiga ako sa kama tapos, naririnig ko boses ng mga kalaro ko sa labas., enjoy na enjoy sa paglalaro, pagnakakatakas ako kay mama, takbo agad ako sa "TABOK".. farm yun ng pamilya ng mga kalaro kong magpipinsan, namimingwit kami sa apat nilang fish pond na sobrang lalim daw at my buwaya sa ilalim.. syempre bata at nauuto pa, sa taas kami ng punto naka pwesto habang namimingwit.. "MOKO" ang name ng isa sa magpipinsan. Pagnakakahuli ako ng isdang malaki.. "imelda fish" palam ang tawag namin sa hito.. pinapaalis ako ni moko sa pwesto ko at siya pumepwesto. Syempre sasama ang loob ko, gumaganti ako twing nangyayari yun.. Naghahalungkat ako sa mga VHS tape ni papa.. nagpapalabas ako ng pelikula, syempre kami lang my VHS player sa bario namin that time..Wahehe.. Lahat ng friends ko nakakapanood, except kay moko.. Tapos yun hihingi siya ng sorry, ibibili niya ko ng bananacue..tapos frends na ulit.. Haaaaist.. Nakakamis ang kabataan kong yun..

Wahehe mula sa paminsan minsan napunta na sa kabataan ko ang kwento.. Ayun at inaantok na ko.. Bukas ulit! Di ko alam anu ibblog ko bukas..Bahala na..Wahehe.. Gudnyt!!

No comments:

Post a Comment